Wednesday, June 25, 2014

Maling Pag-ibig


Maling pagibig nga naman
Sa akin ay nakalaan
Ilang beses pinigilan
Ikaw pa rin magpakailanman

Hindi ko alam kung bakit siya?
Kaibigan ko’y hindi Masaya,
Nang  nalaman na siya pala
Ang nagustuhang maging prinsesa

Para siyang magandang buwan
Sobrang layo hindi ko maarok
Itinaga sa bato kong pag-ibig
Ma angkin siya at di mapapahamak

Tanong ng iba
Kung bakit siya pa?
Anong meron sa kanya
Na hindi makikita sa iba?

Tanong na di ko masagot
Basta’t ang isipan ko’y di nababagot
Sa kakaisip sa kanyang kalagayan
Ang mahal kong kaaya-aya

Hindi ko man masabi sa kanya
Ang pag-ibig kong nadarama
Pero kahit di niya malalaman
Siya aking lihim parin hahangaan.

No comments:

Post a Comment