Inspirasyon isang bagay na
importante sa lahat. May iba’t ibang rason kung bakit ka nagkakaroon nito,
maaring sa isang taong importante sayo, bagay, o pangarap na makamit. Lahat
tayo ay may kanya-kanyang inspirasyon at isang malaking bagay ito sa atin,
maliit man o malaki sa mata ng ibang tao. Maari ito isang tao na iniidolo mo o
hinahangaan, at ako bilang isang tao rin, ay may inspirasyon din ako.
Ang inspirasyon ko sa buhay una ay ang Diyos natin
makapangyarihan, dahil sa hindi niya tayo iniiwan, siya ang gumagabay sa atin
sa mga problema, hinagpis, kalungkutan, kasiyahan, at tagumpay natin sa buhay.
Ang paniniwala ko sa kanya ay hindi mababali, dahil siya ang nagbibigay lakas
sa akin para ipagpatuloy ang ladas ng buhay na tinatahak ko. Alam naman natin
na hindi madali harapin ang buhay, pero sa tulong ng panginoon naniniwala ako
na makakaya ko ito. Natutunan ko sa kanya na lahat ng problema ay may solusyon,
hindi dapat napupunta sa marahas, at maling gawain. Alam kong masyadong isip
bata ang ganitong pagiisip pero bahala kayo diyan, wala akong pakialam hanggat
hindi ninyo inaapakan ang aking paniniwala na ang Diyos ay tumutulong sa atin
sa pangaraw-araw, at alam ko hindi iiwan ng diyos sa mga haharapin natin na
problema natin ngayon at sa kinabukasan.
Pangalawa, ang inspirasyon ko sa buhay, bilang isang
hindi hamak na istudyante at anak lamang, ay ang aking pamilya. Ang mga
magulang ko ay ibinigay sa akin ang
lahat ng gusto ko, pinalaki nila ako na may pinag-aralan. Ginagawa nila ang
lahat ng makakaya nila para lang makatapos ako. Umutang, prenda kahit anong
paraan para lang matustusan ang pagpapaaral sa akin. Isa din ang mga magulang
ko sa iniidolo ko, kasi kahit anong kasalanan ko na gagawin ko ay pinapatawad
nila ako. Kapag una ay magaglit sila, natural lang yun, sino ba namang magulang
hindi magagalit kapag ang anak nila ay gumawa ng katarantaduhan o kagaguhan
diba? Pero hindi tatagal ay papatawarin
naman ako nila.
Isa
din sa mga inspirasyon ko sa buhay ay ang anking dalwang kapatid. Subalit ang
sumunod sa akin ay iba ang ama niya, kapatid ko pa rin siya dahil sa parehas
kaming ina. Iniisip ko sila kapag nahihrapan ako sa pag-aaral ko. Kasi ang
gusto kong mangyari ay makatpos din sila sa pag-aaral, at ako ang tatayo na
sunod na Padre de Pamilya, gusto ko silang makita sa susunod na sampung taon
nasa Kolehiyo na nagaaral na ako ang umaatupad sa kanila. Hindi ko gusto na bumagsak
sila sa tinatahak natin na landas na kung ay tatawaging “’buhay”. Gusto ko
silang tulungan, gusto ko silang alagaan, at higit sa lahat, gusto ko silang
protektahan. Ang sabi nga sa isang “Anime” na napanood ko, “Magiging malakas ka
kapag mayroon kang mga mahal sa buhay na pinoprotektahan”, at naniniwala ako sa
linyang binitiwan na ito. Siyempre hindi lamang ang mga kapatid ko ang gusto
kong protektahan pati na rin ang buong pamilya ko.
Pangatlo
sa listahan ng mga inspirasyon ko ay ang aking hinahangaan kong kaklase, hindi
ko babanggitin ang pangalan kasi alam kong hindi niya gusto makita ang pangalan niya dito baka pagalitan
niya ako. Kung ilarawan siya ay, mahinhin, tahimik, at ang mga ngiti niya, para
sa akin, ay parang liwanag galing sa langit, makita ko lang siya na nakangiti
ay gumagaan ang aking pakiramamdam, iniisip ko tuloy kung droga ba siya para
may ganung epekto sa akin. Matalino nga siya sa larangan ng akademiko, bilib
ako sa galing niya na mag memorize, palagi mataas ang kanyang mga marka, exam
man yan o quiz, pero pagdating naman sa “public speaking” ay nauutal siyang
magsalita, isang problema niya yun na nakikita kong napaka “cute”. Pero noon
yun, nagbago siya, sa rason na hindi ko alam, namatay na siguro ang dating siya
na hinahangaan ko at may pumalit na bago. Pero sa puso’t isipan ko ay buhay na
buhay siya, nagbabasakali na babalik ang dating siya na nakilala ko.
Pang-apat
naman sa aking listahan ng inspirasyon ko ay isa na namang kaklase ko,
napahanga talaga ako sa mga abilidad niya, may kakayahang kumanta, matalino,
marunung magdala ng groupo, at siyempre mabait at may takot sa panginoon.
Makita ko lang siya na umakto bilang isang lider ay napapahanga na ako. Maliit
lang ang alam ko sa mga pinagdadaan niya sa kanyang buhay. Pero sa mga kwento
niya na sa akin ay napa bilib ako sa determminsyon niya na makapag-aral. Para
sa akin, dapat bigyan na siya ng karangalan bilang magiting na anak at
istudyante. Siguro pinagmamalaki siya ng kanyang mga magulang sa pinapakita
niyang mga resulta sa kanyang mga gawain sa kumunidad. Kilala siya at alam ko
yun dahil sa isang espesyal at kahangahanga niyang posisyon. Basta ang masasabi
ko lang ay pwede siya maging isang modelo sa mga kabataan ngayon, isa siyang
mabuting impluwensya.
Ang
panghuli kong inspirasyon ay ang mga kaibigan ko, hindi rin nila ako iniiwan sa
mga problema kong dinadaanan, pero minsan iniiwan naman ako nila, o nagkataon
lang siguro na wala sila. Ewan ko diyan, basta ang akin lang ay mahalaga sila
sa akin, at kung sila ang may problema ay gagawin ko ang lahat as abot ng
makakaya ko. Dahil isa sa mga prinsipyo ko ay “Hindi dapat iniiwan ang isang
kaibigan”. Hindi man sila perpekto, tao lang din sila, at masaya ako kahit na
may tuksuan, alitan, katangahan, katarantaduhan, iyakan at tawanan. Ang
importante lahat ay nagmamahalan na magkaibigan. Ito ang listahan ng aking inspirasyon, hindi man ito importante
sa ibang pananaw ng ibang tao, pero sa akin malaki ang epekto nila sa akin.
n
ReplyDeleteSalamat ng marami :D
ReplyDeleteThankyou po. Godbless
ReplyDeleteVery nice .i love this kind of essay ..i appreaciate this essay ..��
ReplyDeleteThanks!!.and Godbless you po...
ReplyDeleteHow to play online casino games in South Africa - KDAR
ReplyDeleteThe most popular type of online casino game in 샌즈카지노 South Africa is slot machines. In the online casino you can play any 온카지노 slot game. With a lot of luck and febcasino
2021
ReplyDelete2022 na pala
ReplyDelete