Wednesday, June 25, 2014

Ang Inspirasyon ko


Inspirasyon isang bagay na importante sa lahat. May iba’t ibang rason kung bakit ka nagkakaroon nito, maaring sa isang taong importante sayo, bagay, o pangarap na makamit. Lahat tayo ay may kanya-kanyang inspirasyon at isang malaking bagay ito sa atin, maliit man o malaki sa mata ng ibang tao. Maari ito isang tao na iniidolo mo o hinahangaan, at ako bilang isang tao rin, ay may inspirasyon din ako.
            Ang inspirasyon ko sa buhay una ay ang Diyos natin makapangyarihan, dahil sa hindi niya tayo iniiwan, siya ang gumagabay sa atin sa mga problema, hinagpis, kalungkutan, kasiyahan, at tagumpay natin sa buhay. Ang paniniwala ko sa kanya ay hindi mababali, dahil siya ang nagbibigay lakas sa akin para ipagpatuloy ang ladas ng buhay na tinatahak ko. Alam naman natin na hindi madali harapin ang buhay, pero sa tulong ng panginoon naniniwala ako na makakaya ko ito. Natutunan ko sa kanya na lahat ng problema ay may solusyon, hindi dapat napupunta sa marahas, at maling gawain. Alam kong masyadong isip bata ang ganitong pagiisip pero bahala kayo diyan, wala akong pakialam hanggat hindi ninyo inaapakan ang aking paniniwala na ang Diyos ay tumutulong sa atin sa pangaraw-araw, at alam ko hindi iiwan ng diyos sa mga haharapin natin na problema natin ngayon at sa kinabukasan.
            Pangalawa, ang inspirasyon ko sa buhay, bilang isang hindi hamak na istudyante at anak lamang, ay ang aking pamilya. Ang mga magulang ko ay ibinigay sa  akin ang lahat ng gusto ko, pinalaki nila ako na may pinag-aralan. Ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila para lang makatapos ako. Umutang, prenda kahit anong paraan para lang matustusan ang pagpapaaral sa akin. Isa din ang mga magulang ko sa iniidolo ko, kasi kahit anong kasalanan ko na gagawin ko ay pinapatawad nila ako. Kapag una ay magaglit sila, natural lang yun, sino ba namang magulang hindi magagalit kapag ang anak nila ay gumawa ng katarantaduhan o kagaguhan diba? Pero hindi tatagal ay  papatawarin naman ako nila.
Isa din sa mga inspirasyon ko sa buhay ay ang anking dalwang kapatid. Subalit ang sumunod sa akin ay iba ang ama niya, kapatid ko pa rin siya dahil sa parehas kaming ina. Iniisip ko sila kapag nahihrapan ako sa pag-aaral ko. Kasi ang gusto kong mangyari ay makatpos din sila sa pag-aaral, at ako ang tatayo na sunod na Padre de Pamilya, gusto ko silang makita sa susunod na sampung taon nasa Kolehiyo na nagaaral na ako ang umaatupad sa kanila. Hindi ko gusto na bumagsak sila sa tinatahak natin na landas na kung ay tatawaging “’buhay”. Gusto ko silang tulungan, gusto ko silang alagaan, at higit sa lahat, gusto ko silang protektahan. Ang sabi nga sa isang “Anime” na napanood ko, “Magiging malakas ka kapag mayroon kang mga mahal sa buhay na pinoprotektahan”, at naniniwala ako sa linyang binitiwan na ito. Siyempre hindi lamang ang mga kapatid ko ang gusto kong protektahan pati na rin ang buong pamilya ko.
Pangatlo sa listahan ng mga inspirasyon ko ay ang aking hinahangaan kong kaklase, hindi ko babanggitin ang pangalan kasi alam kong hindi niya gusto  makita ang pangalan niya dito baka pagalitan niya ako. Kung ilarawan siya ay, mahinhin, tahimik, at ang mga ngiti niya, para sa akin, ay parang liwanag galing sa langit, makita ko lang siya na nakangiti ay gumagaan ang aking pakiramamdam, iniisip ko tuloy kung droga ba siya para may ganung epekto sa akin. Matalino nga siya sa larangan ng akademiko, bilib ako sa galing niya na mag memorize, palagi mataas ang kanyang mga marka, exam man yan o quiz, pero pagdating naman sa “public speaking” ay nauutal siyang magsalita, isang problema niya yun na nakikita kong napaka “cute”. Pero noon yun, nagbago siya, sa rason na hindi ko alam, namatay na siguro ang dating siya na hinahangaan ko at may pumalit na bago. Pero sa puso’t isipan ko ay buhay na buhay siya, nagbabasakali na babalik ang dating siya na nakilala ko.
Pang-apat naman sa aking listahan ng inspirasyon ko ay isa na namang kaklase ko, napahanga talaga ako sa mga abilidad niya, may kakayahang kumanta, matalino, marunung magdala ng groupo, at siyempre mabait at may takot sa panginoon. Makita ko lang siya na umakto bilang isang lider ay napapahanga na ako. Maliit lang ang alam ko sa mga pinagdadaan niya sa kanyang buhay. Pero sa mga kwento niya na sa akin ay napa bilib ako sa determminsyon niya na makapag-aral. Para sa akin, dapat bigyan na siya ng karangalan bilang magiting na anak at istudyante. Siguro pinagmamalaki siya ng kanyang mga magulang sa pinapakita niyang mga resulta sa kanyang mga gawain sa kumunidad. Kilala siya at alam ko yun dahil sa isang espesyal at kahangahanga niyang posisyon. Basta ang masasabi ko lang ay pwede siya maging isang modelo sa mga kabataan ngayon, isa siyang mabuting impluwensya.
Ang panghuli kong inspirasyon ay ang mga kaibigan ko, hindi rin nila ako iniiwan sa mga problema kong dinadaanan, pero minsan iniiwan naman ako nila, o nagkataon lang siguro na wala sila. Ewan ko diyan, basta ang akin lang ay mahalaga sila sa akin, at kung sila ang may problema ay gagawin ko ang lahat as abot ng makakaya ko. Dahil isa sa mga prinsipyo ko ay “Hindi dapat iniiwan ang isang kaibigan”. Hindi man sila perpekto, tao lang din sila, at masaya ako kahit na may tuksuan, alitan, katangahan, katarantaduhan, iyakan at tawanan. Ang importante lahat ay nagmamahalan na magkaibigan. Ito ang listahan ng  aking inspirasyon, hindi man ito importante sa ibang pananaw ng ibang tao, pero sa akin malaki ang epekto nila sa akin.      

8 comments:

  1. Very nice .i love this kind of essay ..i appreaciate this essay ..��

    ReplyDelete
  2. Thanks!!.and Godbless you po...

    ReplyDelete
  3. How to play online casino games in South Africa - KDAR
    The most popular type of online casino game in 샌즈카지노 South Africa is slot machines. In the online casino you can play any 온카지노 slot game. With a lot of luck and febcasino

    ReplyDelete